Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Gabbi Garcia shares photos from her 18th birthday photoshoot


Pinaghahandaan ng ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Gabbi Garcia ang kaniyang ika-18 na kaarawan ngayong darating na Disyembre.

Nitong Miyerkules, ibinahagi na ng aktres ang ilang larawan mula sa kaniyang birthday photoshoot, na pinangunahan ng photographer na si Ryan Raquino ng Blufish Photography.

Gamit ang hashtag na #SincerelyGabbi, ipinasilip niya ang tinawag niyang “whimsical” photoshoot.

“Remember, you are beautiful. Sincerely, Gabbi,” aniya sa caption ng kaniyang Instagram post.

 

 

A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

Nagpaabot naman ng papuri ang mga nakasama ni Gabbi sa photoshoot para sa kaniyang debut.

Ayon sa RabbitHole Creatives, “Beam of radiance from @_gabbigarcia. More than just a pretty face this kid is.”

Katulong rin sa nasabing photoshoot ang kilalang stylist na si Katrina Cruz, event designer na si Teddy Manuel, make-up artist na si Madje Lejano, at ang hair stylist na si Carlene Lucero.

 

 

A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

 

— RSJ, GMA News

Tags: gabbigarcia