Maine Mendoza, Alden Richards read messages from ‘trolls’
Muling nagpasaya ng mga manonood ang phenomenal loveteam at “Eat Bulaga!” Dabarkads na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa nakakatuwa at makabuluhang #WipeAwayTheHate video campaign mula sa Master Philippines at Eskinol Philippines.
Sa nasabing video, makikitang binabasa ng dalawa ang ilang mensahe mula sa “trolls.”
Isa na rito ang “Paano naging artista si @mainedcm with a face full of pimples?” na sinagot naman ni Maine ng “Hindi pang-artista ang beauty ko... Pang-beauty queen.”
May nagtanong naman kay Alden kung “Pambansang Dimple ka ba talaga o Pambansang Pimple?”
Sagot ng Kapuso heartthrob, “Ito'ng sa'yo... Pambansang Face.”
Panoorin ang ilan pang “hate messages” na natanggap ng AlDub, at kung paano nila ito sinagot nang may ngiti pa rin sa kanilang mga mukha:
Mas maganda ka pa sa artista @mainedcm! Like our #EskinolMaineGirl, #WipeAwayTheHate and show your linis-kinis skin with Eskinol! pic.twitter.com/XGQDehaoFD
— Eskinol Philippines (@EskinolPH) October 9, 2016
Paalala ni Maine sa netizens, “Remember girls, always be happy, #WipeAwayTheHate”
“Mga bro! Para sure gwapo, keep your head up and remember to #WipeAwayTheHate,” ayon naman kay Alden. —Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News