Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Mark Herras remembers late foster father, loved ones


Pumanaw na nitong Biyernes si Herminigildo Santos, ang foster father ng Kapuso actor na si Mark Herras, dahil sa cardiac arrest.

Sa magkakasunod na Instagram posts nitong nakaraang linggo, ibinahagi ni Mark ang mga magagandang alaala niya kasama ang kaniyang Papa Pim.

Aniya, “29 years kitang kasama, Pim... Ikaw nagturo sakin nung nagaaral ako... Ang pumalo sakin 'pag matigas ang ulo ko... Inalagaan niyo ko ni Daddy at ibinigay niyo sakin ang napakagandang buhay... Ang hirap, Pim, nakikita kitang nakahiga ngayon. Nagpapakalakas ako pero dahan-dahang nadudurog 'yung loob ko pag naiisip kong totoo ngang wala ka na... Ang sakit, Pim...”

“Ang bilis niyo naman akong iniwan... Una si Mamang tapos si Daddy tapos si Mama tapos ikaw... Alam ko masaya ka na ngayon dahil magkakasama na kayong lahat sa taas... Please guide me at bigyan niyo ko ng lakas ng loob para malagpasan ito, Pim... Maraming maraming salamat po sa lahat Papa Pim... Mahal na mahal ko po kayo,” dagdag pa ng Kapuso heartthbrob.

Nitong Hulyo lamang, pumanaw ang adoptive father ni Mark na si Jun Herras dahil sa diabetes, habang noong Abril naman inihatid sa huling hantungan ang kaniyang ina.

 

 

Sa susunod na post ni Mark, ipinasilip niya ang isang throwback photo kasama ang kaniyang Papa Pim.

Ayon sa Kapuso star, “I don't what to say, Pim... Hindi ako handa bigla ka na lang nang-iwan... Please say hi kay Mamang, Mama & Daddy... I will miss you everyday! Love you, Pim! Maraming salamat po sa lahat...”

 

 

Inalala rin ni Mark ang iba pa niyang mahal sa buhay na pumanaw na.

“Mga taong malapit sa buhay ko... Mga nag-alaga, nagpalaki at nagbigay sakin ng buhay... Maraming maraming salamat po sa lahat.... MAHAL na MAHAL ko kayong lahat... Magkakasama na kayong lahat sa taas... Alam ko pong gagabayan nyo po ako palage,” aniya.

Pagtatapos ni Mark, “Ma, Daddy, Mamang & Papa Pim.. It will never be the same na wala kayong lahat.”

 

 

Sa isang Instagram post, nagpahayag ng kaniyang suporta at pagmamahal si Wyn Marquez, ang kasintahan ni Mark.

Kasabay ng kaniyang panalangin para sa kaligtasan ng half-brother na si Mark Anthony Fernandez, ipinagdasal rin ng dalaga ang si Mark at ang mga mahal nito sa buhay. 

Ayon kay Wyn, “I pray for Tito Hermi's soul who left us so early at biglaan—ang  nag-alaga at tumayong tatay ni Mark at napamahal na din sa akin ng sobra. Salamat sa lahat tito.”

“Pangga @angelo_herras you have me and I have you. We'll take care of each other. Sa isa't isa lang tayo humuhugot ng lakas ngayon. Matutupad wish ni Tito, ga, gagawin natin 'yun. I know everything will be okay... I love you so much,” pagtatapos niya. — RSJ, GMA News

Tags: markherras