Maine Mendoza enjoys beach trip with friends
Sandaling nagpahinga mula sa kaniyang kabi-kabilang showbiz commitments ang Kalyeserye sweetheart at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Maine Mendoza nitong nagdaang weekend para sa isang bakasyon kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Aniya sa isang tweet nitong Linggo, “Beachin' like we used to... Spontaneous beach trips are the best!”
Maliban sa kaniyang beach-ready body, ipinasilip rin ni Maine sa kaniyang followers ang kaniyang talento sa pagsusulat.
Habang nasa bakasyon, ipinamalas ng dalaga ang kaniyang galing sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga caption ng kaniyang Instagram posts.
“Her thoughts were strewing on the surface as she was floating on water. She was calm as well as the ocean, and the ocean was deep as well as her thoughts,” ayon sa host-actress. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News