Solenn Heussaff explains her fascination with indigenous tribes
Naganap nitong nakaraang Abril ang kauna-unahang art exhibit ng Kapuso host-actress na si Solenn Heussaff na tinawag niyang “Our People,” kung saan tampok ang mga obrang nagpapakita ng mga tao mula sa iba't ibang indigenous tribes na matatagpuan sa Bukidnon, Ifugao, at iba pang lugar.
Ayon kay Solenn, malaki ang paghanga niya sa indigenous people mula sa iba't ibang bahagi ng mundo dahil sa kanilang makulay na kasaysayan at mayamang kultura, na tila nababalewala na raw ng mga tao sa malalaking siyudad.
“I love anything to do with indigenous people ... I like that they are very simple but are very sophisticated in their own way. Lahat ng clothes nila and weaves, so intricate and it has so much history behind it,” aniya sa isang press conference nitong Lunes.
Dagdag pa ng aktres, “We kind of take that for granted as urban people. We tend to forget the simple things in life. I feel like they know how to take care of that. I just have a thing for them.”
Upang ipagdiwang ang paglulunsad ng kaniyang ikatlong album na “Solenn” ngayong linggo, nais raw niyang magkaroon ng isang simpleng performance sa Mindanao upang mapalapit pa sa hinahangaan niyang indigenous tribes.
“I'm hoping to maybe do something in Mindanao in the future. I paint a lot of indigenous people, and my friend is starting a line with some weavers from Sulu. We're going to try to organize an exhibit, and a chill session with guitars and drinks, featuring their clothes and the beauty of what they weave,” pahayag niya.
A photo posted by Solenn Heussaff (@solennheussaff) on
Maliban sa promotion ng kaniyang bagong album, abala rin si Solenn sa pagbida niya sa hit Kapuso fantasy series na "Encantadia," comedy series na "A1 Ko Sa'yo," at lifestyle shows na "TriPinas" at "Taste Buddies."
Matapos rin ang matagumpay na launch ng kaniyang librong "Hot Sos," pinaghahandaan na ng Kapuso actress ang reality show na "It Girls," kung saan masisilip ng mga manonood ang buhay niya at ng kaniyang mga kaibigang sina Georgina Wilson, Isabelle Daza, at Liz Uy. — RSJ, GMA News