Lovi Poe stuns in ‘beautiful, long-trailed’ bridal gown
Bumida ang Kapuso actress at “Someone To Watch Over Me” star na si Lovi Poe sa isang bridal showcase suot ang “ hand-beaded crystal embellished finale gown” gawa ng fashion designer na si Patricia Santos.
Kabilang siya sa mga nagtapos ng fashion show, kasama ang Brazilian-Japanese model mom na si Vanessa Matsunaga.
Wearing the beautiful creation of @patriciasantosdesigns. !!! congratulations!!??????
A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on
A photo posted by Patricia Santos (@patriciasantosdesigns) on
A photo posted by Patricia Santos (@patriciasantosdesigns) on
Marami man ang humanga sa ganda ng Premier Actress suot ang bridal gown, inamin ni Lovi na matagal na panahon pa ang kaniyang hihintayin bago tuluyang magpakasal.
Ito ay matapos ang hiwalayan nila ng Kapuso actor at “Encantadia” star na si Rocco Nacino, na naging kasintahan niya sa loob ng dalawang taon.
Aniya sa panayam ng “Balitanghali” nitong Miyerkules, “With my free time, mas nagagawa ko 'yung mga gusto kong gawin.”
Mapapanood si Lovi gabi-gabi sa GMA Primetime series na “Someone To Watch Over Me” kasama sina Tom Rodriguez, Max Collins, Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, at marami pang iba.
A photo posted by Patricia Santos (@patriciasantosdesigns) on
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News