Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Bae-by Baste learns new song for ‘Eat Bulaga!’ Dabarkads


Panibagong kanta ang ineensayo ng #PEPlistYear3 Child Star of the Year at “Eat Bulaga!” host na si Bae-by Baste para mapasaya ang mga Dabarkads na araw-araw nakasubaybay sa longest-running noontime show.
 
Matapos siyang magpakitang-gilas sa pagkanta ng "Tomorrow" at “My Girl,” inaaral naman ni Baste ang “Uptown Girl.”
 
Kasama niya sa pagpa-practice ang kaniyang Mama Shiela at ang nakababata niyang kapatid na si Sam-sam.
 
 
Kamakailan lamang, tinanggap ni Baste ang Child Star of the Year award mula sa The PEP List: Year 3 na inorganisa ng local entertainment news site na Pep.ph. 
 
Ipinagdiwang rin niya ang kaniyang ikaapat na kaarawan nitong nakaraang linggo sa isang airplane-themed birthday party. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News