Sunshine Dizon thanks supporters amid marital problems
Matapos niyang makaharap ang kaniyang mister na si Timothy Tan nitong nakaraang linggo, kasama ang babaeng sinasabing naging dahilan ng kanilang hiwalayan, nagpasalamat naman ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa mga nagpapahatid ng suporta at pagmamahal sa kaniya at sa kaniyang mga anak.
Sa isang Instagram post, nag-iwan ng maikling mensahe ang aktres: “I thank you for being a part of my journey.”
“I just want to let you all know that i am overwhelmed with your love and support. Thank you for having my back,” dagdag pa niya sa caption ng naturang post.
Nitong August 10, nagkaharap-harap ang tatlo sa preliminary investigation ng Quezon City Prosecutor's Office kaugnay sa inihaing concubinage complaint at paglabag sa Violence Against Women and Children's Act ni Sunshine laban kay Timothy.
"I'm getting emotional because of the pain they caused my children not me anymore kasi kaya ko naman. Pero yung sakit na dinaanan ng mga anak ko, 'yan ang walang kapatawaran," aniya.
Bukod pa riyan, hindi rin pinalampas ni Sunshine ang mga netizens na nagbabato ng masasakit na salita sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Aniya, nagsampa na siya ng kaso sa Cybercrime Division upang matigil na ang pambabatikos sa kanila sa social media.
Samantala, nais naman ng kampo ni Tim na makausap si Sunshine para sa isang possible settlement para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Nakatakdang maghain ng counter affidavit ang kampo ni Tim at Clarisma sa August 25. — RSJ, GMA News