Solenn Heussaff and Nico Bolzico share ‘groovy’ bonding moment
Binansagan nang “relationship” goals ng karamihan ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico, na ikinasal nito lamang nakaraang Mayo.
Maliban sa kanilang dream wedding sa Chateau du Grand Val sa Combourg, France, hinahangaan rin ng marami ang tila matibay na pagkakaibigan na namamagitan sa dalawa.
Mahilig magbahagi ng mga nakakatuwang larawan sa social media sina Solenn at Nico, at minsan nga ay ipinapasilip pa nila ang kanilang mga sweet at candid moments.
Sa isang video na ibinahagi ng Kapuso actress at “A1 Ko Sa'yo” star nitong Biyernes, ipinakita niya ang binansagan nilang “Cumbia Nights,” kung saan kasamang nagsasayaw ng mag-asawa ang kanilang mga kaibigan.
Bukod kay Nico at Solenn, makikita rin dito ang engaged couple na sina Isabelle Daza at Adrien Semblat.
Missing Cumbia nights! @isabelledaza another one soon!! Nighty guys
A video posted by Solenn Heussaff (@solennheussaff) on
Sa naunang pahayag, sinabi ni Solenn na wala raw nagbago sa relasyon nila ni Nico ngayong ikinasal na sila.
Aniya, “Kilala niya ako and alam niyang this is who I am and this is how he met me, so I won't change talaga.”
“Siguro kapag nabuntis ako in the future, magsusuot pa ako ng super mini-skirt, at may mga butas-butas pa,” biro pa ng “Taste Buddies” host. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News