Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Bong Revilla, Jinggoy Estrada, other actors reunite with Dick Israel


Isang linggo matapos lumabas ang balita tungkol sa pangangailangan ng beteranong aktor na si Dick Israel, nagkaisa ang mga artistang naging malapit sa kaniya saloob ng ilang taon niyang pagganap sa mga pelikula at programang Pilipino.

Ayon sa mga nag-viral na posts sa social media, matapos dumanas ng stroke noong 2010, nabiktima naman siya ng sunog nitong Sabado, na sumira ng kaniyang bahay at halos lahat ng kaniyang ari-arian.

Sa pangunguna ng Damay Kamay Foundation, nagsama-sama sina Vivian Velez, Nadia Montenegro, Bianca Lapus, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla upang magpaabot ng tulong sa batikang aktor at kilalang kontrabida.

“'Yung Damay Kamay Foundation lang naman is an action team to just create awareness, in a way, na para sa mga donations. In fact, 'yung mga nagdo-donate talaga, 'yung mga malalaking donations are really coming also from our fellow artists. But then, this is the first time we reached out to the public,” ayon kay Vivian sa panayam ng Pep.ph.

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa, ang daming tumatawag, ang daming nagti-text, ang daming nagbibigay ng mga messages. Sinasabi nga, ‘Alam ninyo, fans kami ni Dick Israel. My father has a wheelchair,’ mga ganun.”

 

 

Natutuwa raw ang aktres sa pagbuhos ng tulong at suporta para kay Dick, lalo na mula sa mga tulad nilang artista.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan raw ang batikang aktor at unti-unti na raw itong nakakabangon sa tulong ng mga donasyon at suporta mula sa mga nagmamahal sa kaniya.

“It’s a community, 'yung industry natin. Kami-kami ang nagtutulungan kasi kami-kami din ang nakakaalam ng mga problema ng mga artista. Akala ng mga tao, it’s all glamour, popularity,” paliwanag ni Vivian.

Pagtatapos niya, “Ngayon, at least nakaka-reach out na kami, even the public is being aware na may ganitong mga circumstances. Artista man kami, parang mga ordinaryong tao din kami just like you guys.”

 

 

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News