Chesca and Doug Kramer talk about facing problems as married couple
Marami ang humahanga sa matibay na relasyon ng mag-asawang Chesca at Doug Kramer, ang nasa likod ng “Team Kramer” at ang mga magulang ng social media darlings na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.
Gayunpaman, aminado ang mag-asawa na tulad ng lahat, dumaraan rin sila sa mga problema at hindi pagkakaunawaan.
Isa raw sa mga pinakaimportanteng bahagi ng kanilang pagsasama ang respeto sa isa't isa.
Ayon kay Chesca sa episode ng “Yan Ang Morning!” nitong Lunes, “Si Doug, gusto niya, pinag-uusapan agad-agad. Ako naman, 'No babe. Hindi talaga puwedeng ngayon kasi mainit ang ulo ko sa 'yo. Baka mayroon akong masabing pagsisihan ko.'”
“Sa couples, importante na maingat kayo sa mga sinasabi niyo kasi kung sanay kayong laging masama ang sinasabi sa isa't isa, cause din 'yan ng pagkawala ng pagmamahal mo sa asawa mo kasi nasanay ka na disrespectful ka. Para makaiwas ako na may masabi, hindi kami nag-uusap agad,” dagdag pa ng celebrity mom.
Nagpapalipas man sila ng oras, hindi raw hinahayaan ng mag-asawa na matapos ang isang araw nang hindi sila nagkakaayos.
Paliwanag ni Doug, “Together na kami ni Chesca since 2003, 13 years na. Not even one day ang nag-pass na hindi kami nagkaayos. Ayaw naming tumagal. Ako rin, lumalapit rin ako and I say 'sorry.' Give space pero ayusin niyo. Kung pinatagal niyo ng isang araw, hindi kayo nag-uusap, masasanay kayo.”
Mahalaga rin daw para sa hands-on parents ang oras para sa isa't isa, at ang pagiging mabuting asawa bukod pa sa pagiging mabuting mga magulang sa kanilang mga anak.
Ayon kay Chesca, minsan na siyang nagtampo kay Doug dahil nawawalan na ito ng oras para sa kaniya.
“Doon kami minsan nag-aaway. Gusto kasi ni Chesca ng time. 'Yun ang love language niya. Ako naman, kapag galing ako ng practice, spend time ako with kids kasi early night pa. Pero after that, kapag late night na, kaming mag-asawa naman. Pero gusto ni Chesca, talagang a lot of time,” paliwanag ng sikat na basketball player.
Ayon naman kay Chesca, “Naturally, madaldal ako. Gusto ko laging may kausap, marami akong gustong sabihin—thoughts ko at feelings ko. Lagi kong sinasabi sa husband ko na, be happy na I crave for your attention and I need your attention because you're an extension of my soul. You're an extension of my thoughts. When I tell you something, I'm saying it as if sinasabi ko sa sarili ko. Kasi we're one.”
“When I want your time, it doesn't mean I'm comparing you to other people. I'm comparing to your goodness. Because I know there's still more,” dagdag pa niya.
Ipinagmamalaki naman ng kilalang host-actress na mayroon siyang asawa na hindi lamang mabuting tatay sa kanilang tatlong anak, kundi mabuti ring partner sa kaniya.
Mahalaga raw sa kanilang mag-asawa ang mabuting pagsasama upang maging inspirasyon sa kanilang mga anak.
Aniya, “He's not a bad husband. In fact I'm very spoiled. I have somebody who's not dense. Nage-gets niya agad 'yung needs and wants ko as a wife.”
“May iba diyan, mahal nila 'yung mga anak nila. They are good fathers but they're not exactly good husbands. It's important that you become a good husband or a good wife to your spouse because that will be an example to your children. When they look for a partner, they will look for somebody just like you,” pagtatapos ni Chesca. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News