Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Take a look at Vic Sotto and Pauleen Luna’s new house in Laguna


Naganap ang blessing ng bagong bahay nina Bossing Vic Sotto at ng kaniyang asawa at Kapuso host-actress na si Pauleen Luna nitong Linggo, tatlong linggo matapos silang lumipat dito.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing house blessing sa Laguna ang pamilya at mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa.

Ayon kay Pauleen sa isang Instagram post matapos ang seremonya, "Thank you Lord for the gift of family and friends!"

Mayroong apat na kuwarto ang bagong bahay nina Vic at Pauleen, at modern Asian ang napili nilang istilo para dito.

Makikita rin dito ang isang malaking swimming pool, pati na ang iba't ibang paintings, kabilang ang mga obra ng bunsong anak ni Bossing na si Paulina Sotto.

 

 

 

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News