Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Diana Zubiri, Andy Smith reveal name of first child


Idinaos na nitong nakaraang linggo ang maternal photoshoot at baby shower ng aktres na si Diana Zubiri, ilang linggo bago ang inaasahang pagdating ng unang anak nila ng kaniyang asawa at model na si Andy Smith.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong May 2015, ilang buwan lamang matapos ang kanilang sweet na engagement sa Japan.

Dinaluahan ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan ang naganap na baby shower, kung saan din nila ipinaalam ang magiging pangalan ng kanilang baby.

Tatawaging Aliyah Rose ang anak nina Diana at Andy, ang ikalawang anak ng aktres kasunod ng kaniyang panganay sa unang asawa na si Alex Lopez, na namayapa noong 2010.

Silipin ang ilan sa mga eksena mula sa maternity photoshoot at baby shower ng blooming mommy:

 

 

 

—Bianca Rose Dabu/NB, GMA News