Filtered By: Showbiz
Showbiz

Why Oyo Boy Sotto wants another daughter with wife Kristine Hermosa


Apat na buwan nang ipinagbubuntis ng aktres na si Kristine Hermosa ang ikaapat na anak nila ng aktor na si Oyo Boy Sotto, na makakasama niyang bumida sa pinakabagong Kapuso comedy series na “Hay Bahay!” simula ngayong Linggo, June 19.

Nitong Lunes, ipinaalam ng mag-asawa sa naganap na press conference ng nasabing programa na lalaki ang magiging bunso nilang anak.

Ito na ang ikatlong anak nilang lalaki, kasunod ni Kiel at Kaleb.

Masaya man silang madadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya, naikuwento ng mag-asawa na hindi naitago ng kanilang unica hija na si Ondrea ang kaniyang kalungkutan nang malaman ang kasarian ng kaniyang magiging bunsong kapatid.

“Si Ondrea kasi, siya lang 'yung mag-isang girl, so nagdadasal talaga siya, 'I want a baby sister.' We went to the hospital and found out it was a boy. Noong nalaman niya, nalungkot siya,” kuwento ni Oyo Boy.

 

 

Dahil sa naging reaksiyon ng kanilang anak, inamin ng aktor na nais niyang magkaroon ng panlimang anak kay Kristine, at patuloy umano ipinagdarasal ng mag-asawa na maging babae naman ito.

Aniya, ““Nagpi-pray sana kami ng girl para at least dalawang boys, dalawang girls, tapos okay na. Eh, hindi. Baka ayaw pa ni Lord na tumigil kami [laughs]. Kaya susubok pa kami. Isang girl pa sana after nito.”

Mapapanood sina Oyo Boy at Kristine sa pinakabagong Kapuso comedy series na “Hay Bahay!” simula ngayong Linggo, June 19, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”

Kasama nilang magpapaligaya sa mga Kapuso tuwing Linggo sina Bossing Vic Sotto, Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, phenomenal comedic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, at “Eat Bulaga!” Dabarkads Ruby Rodriguez. —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News