Imaw, Aquil, Ynang Reyna start shooting for ‘Encantadia’
Sumabak na sa shooting ang ilan sa mga pangunahing karakter na inaabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” na inaasahang ipalalabas na ngayong taon.
Nitong Lunes, ipinasilip ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang paghahanda niya kasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ang karakter na si Imaw, na bibigyang-buhay sa tulong ng animatronics.
Ayon kay Direk Mark Reyes, “11 years ago. We had a traditional hand and cable puppet in #Encantadia named Imaw. Now, 11 years after, the cables are gone and is now replaced by radio controlled servos. He's now a fully animatronic head puppet worn by a performance artist.”
Gaganap si Rocco bilang ang mandirigmang si Aquil, habang gagampanan naman ni Marian ang karakter ni Ynang Reyna Minea.
Bukod sa teknolohiyang magbibigay-buhay kay Imaw, inaabangan rin ngayon ng mga manonood at mga tagahanga ng telefantasya ang mga makabagong props, costumes, at special effects na gagamitin sa pagbuo ng programa.
Ilan pa sa mga artistang bibida sa inaabangang Kapuso fantasy series sina Dingdong Dantes, Ruru Madrid, Pancho Magno, Migo Adacer, Klea Pineda, Christian Bautista, Rochelle Pangilinan, John Arcilla, at marami pang iba. — RSJ, GMA News