Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Solenn Heussaff as Cassiopeia of ‘Encantadia’


Ipinasilip ng Kapuso host-actress na si Solenn Heussaff ang kaniyang magiging hitsura para sa inaabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” na inaasahang ipapalabas ngayong taon.

Gagampanan ni Solenn ang karakter na si Cassiopeia, isang diwata na binigyang-buhay nina Empress Schuck at Cindy Kurleto sa orihinal na series noong 2005.

Ayon sa aktres nitong Miyerkules, kasalukuyang nagagaganap ang shooting para sa Kapuso fantaserye sa Batangas.

 

 

On the set of Encantadia #Casseopeia #encantadia2016 #Shooting #Batangas

A photo posted by @solennheussaff on

 

Sumabak na rin sa shooting para sa “Encantadia ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, na gaganap naman bilang Raquim, ang karakter na binigyang-buhay noong ng batikang aktor na si Richard Gomez. 

Inaabangan ngayon ng mga manonood ang mga makabagong props, costumes, at special effects na gagamitin sa pagbuo ng programa. 

Ayon sa direktor na si Mark Reyes sa naunang panayam, “Ang dami nang advancements pagdating sa special effects, pati sa paggawa ng props, 3D printing na ngayon. Ang dami naming bagong creatures, maraming bagong characters, maraming plotlines na magugulat na lang kayo.”

Bukod dito, level up rin ang fight scenes na mapapanood sa “Encantadia” dahil kabilang sa mga stunt choreographers and sikat na Hollywood stunt director na si Sonny Sison.

Kabilang si Sonny sa mga bumuo ng blockbuster films na “Olympus Has Fallen” at “Hangover 3,” pati na ang mga television series na “Buffy the Vampire Slayer” at “Hawaii Five-0.”

Isa rin siya sa mga gumanap bilang “Power Rangers.” — RSJ, GMA News