‘Yan Ang Morning’ starts off with star-studded first week
Nagsimula na nitong Lunes ang pinakabagong Kapuso morning talk show na “Yan Ang Morning,” na pinangungunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Hindi man raw sanay ang “Sunday Pinasaya” star sa hosting, tinanggap niya ang bagong hamon na ito upang magkaroon ng pagkakataong magbahagi ng kaniyang mga karanasan bilang ina at matuto rin mula sa mga katulad niyang nanay, “Wala naman sigurong masama kung i-try ko 'yung mga bagay na hindi ako pamilyar. Siyempre lahat ng bagay ay natututuhan,” aniya sa panayam ng Balitanghali.
Makakasama ni Marian ang kaniyang matalik na kaibigang si Boobay bilang co-host sa kaniyang programa.
Bukod sa mga kuwentong nanay, mapapanood rin sa “Yan Ang Morning” ang mga personal recipe ni Marian at iba't ibang workout routines.
Kuwento ng Kapuso Primetime Queen, “Ang daming naglalambing sa akin sa Instagram, lalo na sa @lutoniyan, na sana isama ko na 'yung ingredients at 'yung procedure. Ito na 'yung time para ma-share ko 'yun.”
Kabilang sa mga magiging guest sa unang linggo ng programa ang celebrity moms na sina Katrina Halili at AiAi Delas Alas, at ang mother-in-law ni Marian na si Angeline Dantes.
Nitong Lunes, nagpaabot ng pagbati ang asawa ng aktres at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa matagumpay na pagsisimula ng “Yan Ang Morning.” Ayon kay Dingdong sa isang Instagram post, “Congratulations on your new show my love. Thank you for brightening up our weekday mornings.”
A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
— VVP, GMA News
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us