Filtered by: Showbiz
Showbiz
LOOK

Willie Revillame’s ‘classmate’ joins Wowowin contest, shows host’s ‘walang pera’ pic


Laking gulat ng batikang host na si Willie Revillame nang mayroong isang contestant na nagdala ng lumang larawan niya mula sa kolehiyo.

Ayon kay Nita, isang contestant sa “Patalbugan” segment ng game show na “Wowowin,” naging kaklase niya umano si Willie noong nag-aaral pa sila sa Centro Escolar University Conservatory of Music.

Taong 1978 raw nang kunan ang kanilang larawan.

Kasama ni Nita sa studio ang ilan pa nilang mga kaklase noong kolehiyo.

Ikinatuwa naman ng kilalang host at aktor ang throwback na naganap sa studio ng kaniyang game show nitong Martes.

Pabiro niyang sambit, “Bakit ganyan mukha ko? Halatang walang pera talaga eh, o.” —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News