Filtered by: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza looks back on her most viewed Dubsmash video


Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na unang nakilala ang Kalyeserye sweetheart at “Eat Bulaga!” host na si Maine Mendoza bilang ang Dubsmash Queen ng Pilipinas dahil sa mga nakatutuwa niyang Dubsmash videos na laging nagiging viral sa social media.

advertisement

Kamakailan lamang, binalikan ni Maine ang kaniyang most viewed Dubsmash video, na umabot na sa 3.8 million views at libo-libong shares.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang i-post ito ng phenomenal Kalyeserye star sa Facebook, at marami nga ang nagsasabing maituturing itong isa sa mga naging daan upang tuluyang makapasok ang dalaga sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Maine sa isang tweet nitong nakaraang linggo, “Whoa there, it's been a year! Ano ba nananaginip lang ba ako kasi hindi pa din nagssink in yung mga nangyayari...”

 


 

Mula nang ma-diskubre siya noong Hunyo ng nakaraang taon at maging bahagi ng “Eat Bulaga!” ang Philippines' longest-running noontime show, bumida na ang dalaga sa “Juan For All, All For Juan” segment ng naturang programa, at nagpakilig, nagpasaya, at nagpaiyak na rin sa Kalyeserye kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Bumida na rin si Maine sa pelikulang “My Bebe Love” nitong nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, kung saan nakasama niya naman ang batikang host at aktor na si Vic Sotto at ang Ocmedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas.

Napanalunan na rin ng dalaga ang iba't ibang parangal na kumikilala sa kaniyang pag-arte at mga naging ambag sa industriya sa loob ng higit sa sampung buwan niya rito.

Kabilang sa mga pagkilalang ito ang Best Supporting Actress mula sa MMFF 2015, Favorite Pinoy Personality  mula sa Nickelodeon Kids' Choice Awards, Best New Female TV Personality mula sa 29th PMPC Star Awards for Television, Breakthrough Female Star of Philippine Movies and TV mula sa 47th GMMSF Box-Office Entertainment Awards, at marami pang iba.

Kasabay ng nalalapit niyang unang anibersaryo sa showbiz at unang anibersaryo rin ng loveteam nila ni Alden, inaasahan ng marami na nalalapit na rin ang pagpapalabas sa pelikulang pagbibidahan nila ng Kapuso heartthrob. — RSJ, GMA News

Tags: mainemendoza
More Videos