Baby Zia hangs out with the ladies of her family
Nitong Miyerkules, nakasama ng pamilya ni Kapuso Primetime Queen at “Sunday Pinasaya” star Marian Rivera ang kanilang bunso na si Maria Letizia, ang unica hija nina Marian at ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Kasama ni Baby Zia ang kaniyang ina, lola, at lola sa tuhod nitong Miyerkules sa isang masayang portrait shot.
Ayon kay Marian sa kaniyang Instagram post, “Happy Wednesday everyone! #MaramingSalamatAma God bless, friends!”
Happy Wednesday everyone ?? #MaramingSalamatAma ???????? God bless ig friends! ????
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Bukod sa trending niyang mga larawan mula sa social media posts ng kaniyang mga magulang, tampok na rin ang tinaguriang Kapuso Royal Baby sa kaniyang unang magazine cover ngayong Mayo.
Ang Yes! Magazine cover na ito ang kauna-unahang magazine cover ni Baby Zia mula nang isilang siya noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Nakatakda ring bumida ang panganay na anak ng DongYan sa kaniyang unang commercial ngayong taon.
"Hindi siya iyakin na bata. Sabi ko nga, nag-timeout lang kami para mag-dede siya sa akin, tapos dire-diretso na, smile pa rin siya nang smile," masayang kuwento ni Marian sa mga naunang panayam. — RSJ, GMA News