Maine Mendoza is Gina Alajar’s new acting student
Matapos niyang magpasaya, magpakilig, at magpaiyak sa telebisyon at pelikula sa loob lamang ng halos sampung buwan niya sa showbiz, ganap nang sasalang sa acting workshop ang phenomenal Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar ang larawan nila ng kaniyang pinakabagong estudyante.
Aniya, “My student for today... Such a sweet girl!”
Kamakailan lamang, sinabi ni Maine at ng kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards na magkakaroon sila ng sorpresa para sa kanilang mga tagahanga pagdating ng Hulyo, kasabay ng unang anibersaryo ng kanilang loveteam.
Bukod sa pelikula, maraming fans rin ang umaasa na magkaroon ng concert o teleserye ang dalawa. — RSJ, GMA News