Marian Rivera continues work as ‘Smile Train’ advocate
Sandaling nagpahinga sa kaniyang commitments ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera mula nang ipanganak ang kaniyang panganay na si Maria Letizia nitong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ngayong 2016, muli niyang ipinagpapatuloy ang kaniyang mga programa at adbokasiya.
Kabilang na rito ang pakikibahagi sa non-government organization na “Smile Train,” isang international children's charity na tumutulong sa mga taong may cleft lip o palate.
Aniya sa isang Instagram post nitong Sabado, “Mahalaga sa akin ang salitang 'ngiti.' Masarap sa pakiramdam kapag nakakapagbigay ka ng ligaya lalo na kung ikaw ang dahilan ng saya na yun. Kaya pinagpapatuloy ko ang aking advocacy na naglalayon na bigyang ngiti ang lahat ng tao na may diperensya sa labi.”
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Naging bahagi si Marian ng Smile Train Philippines noong 2014, kung saan pinangunahan niya ang #YanAngSmile advocacy.
Bukod sa Kapuso Primetime Queen, kabilang rin sa advocates ng nasabing organisasyon sina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach at ang aktres na si Danica Sotto-Pingris.
Maaaring tumawag sa 0917-52TRAIN (0917-52-87246) upang makakuha ng libreng operasyon para sa mga mayroong cleft lip o palate. — DVM, GMA News