Filtered by: Showbiz
Showbiz
2M TWEETS FOR #EBGodGaveMeYou

Eat Bulaga exec lauds Maine Mendoza's performance in 'God Gave Me You'


Labis na humanga ang mga manonood sa kauna-unahang dramatic performance ng Dubsmash Queen at phenomenal Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza para sa "Eat Bulaga!" Lenten Special na "God Gave Me You" nitong Miyerkules.

Kasama ni Maine na bumida sa naturang episode ang Pambansang Bae na si Alden Richards, at si Jake Ejercito, na unang beses ring umarte sa telebisyon.

Umani ng higit sa dalawang milyong tweets ang #EBGodGaveMeYou, at maging ang isa sa creative executive ng longest-running noontime show ay puno rin ng papuri para sa dalaga.

Pag-amin ni Direk Pat, ilang beses man niya panoorin ang episode ay naiiyak siya dahil sa pagganap ni Maine.

Aniya sa isang Instagram post, "PINAIYAK MO AKO.. Alam ko ang pinagdaanan mo sa mga scenes mo... Mula sa unang taping day na sinabak ka agad sa iyakan scene (Ang tangi mo lang nasabi sa akin, 'Ate Pat, iyak pa more!' Hahaha!) hanggang sa 53hrs na waley tayong tulog matapos lang ang taping..."

"All the hard work, efforts and puyat have finally paid off --- Congratulations @mainedcm!!! IM SO PROUD OF YOU,"dagdag pa niya.

 

 

Maging ang mga kapamilya nina Maine at Alden ay naiyak rin sa kuwentong pinagbidahan ng phenomenal Kalyeserye love team.

 

 

 

 

Nagpasalamat naman sina Maine, Alden, at Jake sa lahat ng mga nanonood at sumuporta sa "God Gave Me You."

Sa isang tweet, inamin pa ng Dubsmash Queen na paulit-ulit niyang pinapanood ang kauna-unahang Lenten Special na kaniyang pinagbidahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kasalukuyang sinusulit ni Maine ang panahong makapagpahinga mula sa kaniyang showbiz commitments, kasama ang kaniyang pamilya sa isang resort sa Batangas.

Abala naman ang Pambansang Bae sa kaniyang mga show sa Canada kasama ang Kapuso actor na si Rocco Nacino para sa GMA Pinoy TV. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

LOADING CONTENT