Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michael V. remembers friend Francis M. on his death anniversary  


Ginunita ng mga kaibigan at kaanak ng tinaguriang Master Rapper ng Pilipinas na si Francis Magalona ang kaniyang ikapitong death anniversary noong Linggo, March 6.

Kabilang sa mga umalala kay Francis M. ang kaniyang matalik na kaibigan at “Bubble Gang” star na si Michael V.

Sa isang Instagram post, binalikan ni Bitoy ang araw kung kailan niya nalamang mayroong leukemia ang kaniyang kaibigan.

Aniya, “When Francis told me he had leukemia, naipangako ko sa sarili ko na should anything happen to him, I'm getting a "3 stars & a sun" tattoo.”

Nang mamatay ang host at rapper, labis ang pagdadalamhati ng komedyante, kasabay ng lahat pa ng mga nagmamahal kay Francis.

Gayunpaman, hindi nalimutan ni Bitoy ang kaniyang pangako sa sarili.

“March 6, 2009, Francis passed away. It was a very painful day for a lot of people, myself included. 2 days after he died naalala ko 'yung pangako ko sa sarili ko. Pero teka... kanino ako magpapa-tattoo? Hindi ko kilala kung sino'ng nag-tattoo sa kanya nu'ng 3 stars & a sun. At kung ipapagawa ko sa iba, baka magkamali! Sabi ko na lang, 'bahala na,'” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ni Bitoy, “I went to Kiko's wake that night sa Christ The King and was approached by a guy. He shook my hand and said, 'Sir, magandang gabi po! Ako po si Pido. Ako po 'yung nag-tattoo kay Francis.' Curious, I asked him, "Anong t-in-attoo mo?" to which he replied, 'Yun pong 3 stars & a sun!'”

“The following day, sa recording studio ng Eat Bulaga, t-in-attoo-an ako ni Pido. The tattoo somehow helped transfer some of the pain inside out. Coincidence? I think not. #RememberingFrancisM,” pagtatapos niya.

 

When Francis told me he had leukemia, naipangako ko sa sarili ko na should anything happen to him, I'm getting a "3 stars & a sun" tattoo. March 6, 2009, Francis passed away. It was a very painful day for a lot of people, myself included. 2 days after he died naalala ko 'yung pangako ko sa sarili ko. Pero teka... kanino ako magpapa-tattoo? Hindi ko kilala kung sino'ng nag-tattoo sa kanya nu'ng 3 stars & a sun. At kung ipapagawa ko sa iba, baka magkamali! Sabi ko na lang, "bahala na". I went to Kiko's wake that night sa Christ The King and was approached by a guy. He shook my hand and said, "Ser magandang gabi po! Ako po si Pido. Ako po 'yung nag-tattoo kay Francis." Curious, I asked him, "Anong t-in-attoo mo?" to which he replied "Yun pong 3 stars & a sun!" The following day, sa recording studio ng Eat Bulaga, t-in-attoo-an ako ni Pido. The tattoo somehow helped transfer some of the pain inside out. Coincidence? I think not. #RememberingFrancisM

A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Nagsama-sama rin ang buong pamilya ni Francis M. nitong Linggo sa Loyola Memorial Park upang gunitain ang kaniyang mga alaala.

 

Remembering papa on his 7th death anniversary ????

A photo posted by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on


— RSJ, GMA News