Filtered by: Showbiz
Showbiz
‘PAANO NAMAN AKO?’

Bossing Vic Sotto bares why he decided to settle down... at last


Halos isang buwan matapos ang kanilang kasal noong January 30, ibinahagi ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang kaligayahan at mga karanasan sa “Kapuso Mo Jessica Soho” nitong Linggo.

Masayang-masaya raw ang mag-asawa sa maayos na takbo ng kanilang kasal noong nakaraang buwan, na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ayon kay Pauleen, “We are not very hard to please naman. We tried to work with what there beccause we were only given three months to prepare. Gusto lang namin ng simple and elegant, at nakuha namin ang gusto namin.”

Matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan, inamin nina Bossing at Pauleen na dumoble ang kanilang kaligayahan ngayong mag-asawa na sila.

Ibinahagi rin ng batikang “Eat Bulaga!” host at komedyante ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga anak na sina Oyo Boy, Danica, Vico, at Paulina para sa pagmamahal at suportang patuloy nilang ibinibigay sa kanilang mag-asawa.

Sa katunayan, sina Oyo Boy at Danica raw ang naging dahilan kung bakit ninais na ni Bossing na mag-asawa.

“Sa tagal na being single, I was ready to be single for the rest of my life. Pero noong nag-asawa si Danica at Oyo, that was the time I realized na 'Teka, may sarili na yata silang mga buhay.' Paano naman ako? Bago kami magkaroon ng relationship (ni Pauleen), naisip ko na I have to find the right one, and I will ask this girl to marry me,” aniya.

Dagdag pa ng batikang aktor, “Dumating si Pauleen, at nakita ko namang she's willing to love and take care of me for the rest of our lives. She is very loving, and siyempre may kasamang dasal 'yun na for guidance. Basta 'yun na, naramdaman ko na lang 'yun.”

Masaya naman daw si Pauleen na alagaan ang kaniyang asawa, at nagpapasalamat siyang makasama si Bossing panghabambuhay.

Ayon kay Pauleen, “Hindi naman ako nahirapan. It's my joy and happiness to take care of him.”

Pangarap ngayon ng mag-asawa na mabiyayaan ng sarili nilang mga anak sa hinaharap.

Sa ngayon, abala sina Vic at Pauleen sa pagiging host ng longest-running noontime show ng Pilipinas na “Eat Bulaga!” at sa iba pang showbiz commitments. -Bianca Rose Dabu/NB, GMA News
 

LOADING CONTENT