Ina Raymundo shares her 'goofiest workout so far'
Sa kabila ng pagiging ina sa limang anak nila ng asawang si Brian Poturnak, isa pa rin ang Kapuso actress at "The Millionaire's Wife" star na si Ina Raymundo sa mga itinuturing na "fitspiration" ng karamihan.
Aktibo ang aktres sa pagpunta sa gym, pagsali sa mga Zumba sessions, pagsasayaw, at iba pang physical activities.
Bukod pa riyan, sinisiguro rin ni Ina na healthy at balanced ang kaniyang diet.
Nitong linggo, ipinasilip ng aktres ang isa sa mga leg workouts na ginagawa niya na itinuturing niyang "goofiest workout."
A video posted by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on
Aniya, "This is by far the goofiest exercise I've ever done.???? It's called the Penguin Walk. It may look silly but I felt the burn after.???? #legworkout #legstrengthening #sayyestofitness"
Matapos ang pagbida niya bilang Brenda Aldama sa ikalawang Filipino remake ng "Marimar," nakatakda namang bumida si Ina sa upcoming GMA Afternoon Prime series na "The Millionaire's Wife" kasama sina Andrea Torres, Mike Tan, at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News