Filtered by: Showbiz
Showbiz

Andrea Torres prepares for her most mature role yet


Muling bibida sa GMA Afternoon Prime ang Kapuso actress na si Andrea Torres ngayong taon, kasabay ng kaniyang pagganap bilang Luisa sa upcoming teleserye na “The Millionaire's Wife.”

Sa panayam ni Lhar Santiago, sinabi ni Andrea na nagsisimula na siyang maghanda para sa kaniyang pagganap bilang ang palaban at mapagmahala na si Luisa dahil ito na raw ang pinaka-mature na role na ipinagkatiwala sa kaniya.

Bukod pa riyan, ibang-iba rin daw ang takbo at tema ng pinakabagong programang pagbibidahan niya.

Aniya, “Hindi siya 'yung madalas kong napapanood, so very happy rin ako sa trust ng GMA. This is my most mature role, I think. First week pa lang, may pa-sexy na.”

Makakasama ni Andrea sa “The Millionaire's Wife” sina Robert Arevalo, Jaclyn Jose, Ina Raymundo, Sid Lucero, at Mike Tan.

“I'm a fan of all of them. I've seen their works. Sila 'yung mga pinapanood ko kapag kailangan ko ng inspiration sa trabaho ko. I know that I'm going to learn so much from them,” ayon sa Kapuso actress.

Abangan ang “The Millionaire's Wife,” ang pinakabagong handog ng GMA Afternoon Prime para sa mga Kapusong manonood ngayong taon. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News

More Videos
LOADING CONTENT