Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

James Macasero of Moymoy Palaboy weds wife in church


Matapos silang magpakasala sa huwe limang taon na ang nakararaan, ikinasal naman sa simbahan si James Macasero ng comedic duo na “Moymoy Palaboy” at ang kaniyang non-showbiz partner na si Diane Cruz.

Naganap ang kasalan sa Fernwood Gardens, Tagaytay nitong January 31.

Sa isang Instagram post kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng naging bahagi ng kanilang kasal, ibinahagi rin ni James ang mensahe niya sa kaniyang asawa.

“Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo,” aniya

Moymoy and Diane SDE by Wally Gonzales Photography at Fernwood Gardens Tagaytay from Wally Gonzales Photography on Vimeo.

Kabilang sa mga naging bahagi ng wedding entourage ang best friend ni James at Kapuso actor na si Aljur Abrenica, na nagsilbing Best Man, pati na ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, na nagsilbi namang principal sponsors.

Naroon din ang mga kapwa komedyante ni James na sina Sef Cadayona, Boy2 Quizon, Jackie Rice, at Michael V. -Bianca Rose Dabu/NB, GMA News