The Vic Sotto-Pauleen Luna official wedding video
Napuno na tawanan at iyakan ang kasal nina Bossing Vic Sotto at Kapuso host-actress Pauleen Luna nitong Sabado, January 30, sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa, na nasundan rin ng wedding reception sa The Filinvest Tent.
Nitong Linggo, ipinakita na ng filmmaker na si Jason Magbanua ang official wedding video ng dalawa.
“Happy beyond words that finally, both of them are 'home,'” aniya.
Bukod sa mga nakakakilig na tagpo sa kasal, tampok rin sa video ang musikang gawa ni Reese Lansangan.
"Our story is not ideal and a lot of people didn't understand us and the kind of love we have—a love that is so genuine it was just unbreakable," ani Pauleen sa kaniyang speech sa wedding reception.
Dagdag pa niya, "You made me see that loves knows no age, no boundaries, beyond what the eyes can see--that true love is felt."
Nagpasalamat naman si Vic sa respeto at pagmamahal na ibinigay sa kaniya ng mga anak niyang sina Danica, Oyo Boy, Vico, at Paulina.
"In this instance, naramdaman ko kung gaano niyo ako nirerespeto. 'Yung pagmamahal niyo sa akin, ramdam na ramdam ko talaga," aniya.
Pagtatapos ni batikang "Eat Bulaga!" host, "To you, my asawa, I love you forever."
"Remember, from this day on, we are one. I will hold your hand through this journey and I will not let go. Thank you and I love you,” ayon naman kay Pauleen.
Matapos ang kanilang kasal, nakatakdang lumipad papuntang Maldives ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News
Thumbnail courtesy of Metro Photo