The Vic Sotto-Pauleen Luna wedding video from ‘Eat Bulaga!’
Ikinasal na nitong Sabado, January 30, ang batikang host at komedyanteng si Vic Sotto at ang Kapuso host-actress na si Pauleen Luna sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa.
Pinamahalaan ni Father Jeffrey Quintela ang kasal, ilang araw matapos niyang basbasan ang bagong tahanan ng mag-asawa.
Sotto-Luna Wedding <3Congratulations Mr. and Mrs. Sotto!<3
Posted by Eat Bulaga on Saturday, January 30, 2016
Mensahe ni Vic sa kaniyang misis ilang oras bago ang kasal, “Salamat for loving me for what I am. Kung anoman ako at ang mga pinagdaanan ko, tinaggap niya ako. I highly appreciate that. Thank you."
“We've prayed for this for quite a while. Marami na rin tayong napagdaanan. I am so blessed that I'll be sharing this life with you, and I'm so happy that I've found my home in you," sagot naman ni Pauleen.
Kabilang sa mga dumalo sa simple at intimate na kasalan ang pamilya ng mag-asawa at ang kanilang mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz, kabilang na sina Ruby Rodriguez, Pia Wurtzbach, Tito Sotto, Joey de Leon, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Jose Manalo, Maine Mendoza, Alden Richards, Ryzza Mae Dizon, at marami pang iba.
Matapos ang kanilang pag-iisang dibdib, nakatakdang mag-honeymoon sina Bossing at Pauleen sa Maldives. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News