Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pauleen Luna's friends, ‘Eat Bulaga!’ family give touching messages on her special bridal shower


Nagkaroon ng bridal shower sa ikaapat na pagkakataon ang Kapuso actress at “Eat Bulaga!” host na si Pauleen Luna nitong Sabado sa special pre-wedding celebration ng nasabing noontime show para sa kaniya at sa kaniyang mapapangasawa na si Bossing Vic Sotto.

Bukod sa mga Dabarkads, naging bahagi rin ng bridal shower ni Pauleen ang malalapit niyang kaibigan na si Camille Prats , Sherilyn Tan, at Yayo Aguila.

Ayon kay Camille, “Dati, alam ko na masaya ka. Damang-dama naming lahat na masaya ka. Pero ngayon, alam namin na mas masaya ka kaya mas masaya rin kami para sa'yo. Lahat ng nangyayari sa'yo, dapat mangyari dahil napakabuti mong tao. You're one of the most genuine persons I've ever met. Thank you for the friendship and I'm just so happy for you. You deserve it all.”

“Bukod sa lifetime of happiness at sa little Sottos, kailangan i-wish din natin na maging perfect ang wedding day ni Poleng. This is it. You're a beautiful soul. You deserve everything that's happening to you and more,” mensahe naman ni Sherilyn.

 

 

Hindi rin nagpahuli sa pagpapaabot ng kanilang pagbati at mensahe ng pagmamahal ang mga “Eat Bulaga!” hosts na sina Pia Guanio, Patricia Tumulak, at Ruby Rodriguez, na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Pauleen.

“I'm so happy that you guys found happiness in each other. I just hope that you take care of it and always keep God in the center of your marriage. Everything is going to be great. Congratulations and I can't wait to see you on your day!” ayon kay Pia.

Pagtatapos ni Ruby, “We really love you very much. Ngayon, masasabi ko nang naniniwala ako sa forever.” — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News