Alden Richards thanks supporters for their prayers for his grandfather
Matapos siyang makabalik mula sa Middle East para magpasaya ng mga Kapuso overseas, sandaling nawala ang Pambansang Bae at Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa "Eat Bulaga!" at Kalyeserye ngayong linggo.
Ayon sa mga tweet ng kaniyang ama na si Richard Faulkerson Sr., nagkaroon ng problema sa kalusugan ang lolo ni Alden.
Dahil dito, naging sunod-sunod ang pagpapadala ng mensahe ng suporta at panalangin ng AlDub Nation kay Alden, at inialay rin nila ang Kalyeserye hashtag na #ALDUBCares sa pamilya nito.
Nitong Miyerkules, nagpasalamat ang Kapuso host-actor sa lahat ng mga nanalangin para sa ikabubuti ng kaniyang lolo.
Aniya, mabuti na raw ang lagay nito.
Salamat po sa dasal at pagmamahal, mabuti na po ang lagay ng lolo ko. ???????? God bless you all po. ????????
— Alden Richards (@aldenrichards02) January 12, 2016
Pati ang ama ni Alden ay nagpasalamat rin sa pagbuhos ng suporta at pagmamahal sa kanilang pamilya.
Magandang Umaga po. Maraming Salamat po sa mga dasal niyo. #ALDUBCares
— Richard P Faulkerson (@R_FAULKERSoN) January 11, 2016
— BIanca Rose Dabu/RSJ, GMA News