Heart Evangelista welcomes new year with family and husband Chiz Escudero
Masayang sinalubong ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang bagong taon kasama ang kaniyang asawang si Sen. Chiz Escudero at ang kani-kanilang pamilya.
Kasama sa pagdiriwang na ito ang kapatid ni Heart at ang kaniyang ama na si Reynaldo Ongpauco.
Kitang-kita ang kaligayahan gn aktres sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ilang oras lamang bago ang pagpasok ng taong 2016 sa bansa.
Aniya, "I AM THE HAPPIEST ?????? God you are so amazing?? I knew it! #happynewyear2016"
I AM THE HAPPIEST ?????? God you are so amazing?? I knew it! #happynewyear2016
A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
At my sisters home for #happynewyear2016 with the men of our lives??????
A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga magulang ng aktres at ang kaniyang mister dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga ito sa kanilang relasyon.
Matapos palampasin ng ama at ina ni Heart ang kasal ng aktres at ng senador noong Pebrero, nagkaayos rin sila nitong Mayo at mula noon ay madalas nang nagkakasama sa iba't ibang aktibidad. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News