ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Kobe Paras introduces his newest inspiration
Bukod sa pagiging kilala dahil sa kaniyang galing sa basketball, isa rin si Kobe Paras sa mga Pinoy heartthrob na pinapangarap hindi lamang ng mga Pilipina kundi maging ng kaniyang mga tagahanga sa ibang bansa.
Ngunit ayon sa mga pinakabagong social media post ng atleta, tila mayroon nang nagmamay-ari ng kaniyang puso.
Kamakailan lamang, naging sunod-sunod ang posts ni Kobe kasama si Gab Current.
Sa isang post, sinabi pa ni Kobe na sila raw ang "raddest couple out there."
Ayon naman kay Gab sa isang Instagram post kung saan makikitang sweet sila ni Kobe, “Thanks for existing and being mine.”
Matapos siyang maglaro para sa Los Angeles Cathedral High School, kabilang naman ngayon si Kobe sa mga manlalaro ng basketball team ng Middlebrooks Academy.
Nakapirma na rin siya upang makapaglaro para sa UCLA Bruins ng US NCAA basketball league. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
Tags: kobeparas, multimedia
More Videos
Most Popular