Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

‘Eat Bulaga!’ family in first formal photo releases


Limang buwan na ang nakakaraan nang huling madagdagan ang malaking pamilya ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga!" kasabay ng pagpasok ni Dubsmash Queen Maine Mendoza bilang si Yaya Dub.

Ngayon, bukod sa legendary trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) at ang mga Eat Bulaga! Dabarkads, kabilang na rin sa pamilya ang mga karakter ng phenomenal Kalyeserye na sina Lola Nidora, Lola Tidora, Lola Tinidora na ginagampanan nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo, at ang tambalan ni Yaya Dub at Pambansang Bae Alden Richards.

Hindi rin mawawala ang mga beteranong hosts ng noontime show na sina Allan K., Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Keempee de Leon, Pauleen Luna, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, at marami pang iba.

Nariyan din ang mga bagong Dabarkads na sina HBD Girl Patricia Tumulak, Boom Bae Sam Gogna, Bae-by Baste, at "Princess in the Palace" star Ryzza Mae Dizon.

Nitong linggo, ibinahagi ng "Eat Bulaga" ang unang formal photo ng kanilang lumalaking pamilya, sa pangunguna ng TVJ at ng mga bida sa Kalyeserye.

In photos:

1. Legendary Trio
2. Kalyeserye characters
3. Phenomenal AlDub
4. Eat Bulaga family


 
 
 
 
 
 


— Bianca Rose Dabu and Jessica Bartolome/LBG, GMA News