Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kylie Padilla wants separate image from father Robin Padilla


Kilala ang angkan ng mga Padilla bilang isa sa mga pinakasikat na pamilya sa showbiz, at isa sa mga naging haligi nito ang action star at tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Pilipino na si Robin Padilla.
 
Sa kasalukuyan, gumagawa na rin ng kani-kaniyang pangalan ang mga bagong henerasyon ng Padilla, kabilang na ang anak ni Robin at Kapuso actress na si Kylie Padilla.
 
Bilang aktres, masaya umano si Kylie na mapabilang sa iginagalang na angkan sa showbiz, ngunit nais niyang maihiwalay ang kaniyang pangalan at career mula sa legasiyang nagawa ng kaniyang ama.
 
Isa umano sa mga frustration ng "Buena Familia" star ang madalas na pagkukumpara ng publiko sa kaniya at kay Robin.
 
Paliwanag niya, "I have this inner battle with myself na ginagawa ko ba 'to para sumikat or ginagawa ko ba 'to for my passion. And I know the answer. Pero kapag may mga nakakausap ako, sinasabi sa 'kin na, ay hindi mo pa napu-prove 'yung sarili mo kasi mas magaling pa rin 'yung tatay mo."
 
Paglilinaw ni Kylie, nais niya mang gumawa ng sariling marka sa industriya, hindi niya hinahangad na mahigitan ang mga nagawa ng kaniyang ama.
 
"Sa ngayon, I'm happy. I'm just frustrated lang na there's that thing pa rin na kailangan kong i-prove 'yung sarili ko. Alam naman natin na nariyan si Papa. I'm not saying na I'm stoping here pero it's not my goal na hihigitan ko ang tatay ko. No. That's just one frustration na sana ay matanggal na," aniya sa panayam ng GMANetwork.com.
 
Dagdag pa ng Kapuso actress, "I don't know kung paano ko aalisin 'yun and if that's the case, at least I'm happy with what I'm doing. Hindi naman ako tatamad-tamad. I'm working hard." —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News