Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras steps aside so deserving actors can take the spotlight


Okay lang para sa Kapuso actor na si Mark Herras na hindi siya ang leading man ni Kris Bernal sa GMA-7 primetime series na Little Nanay.

Si Mark ang gumaganap na kuya ni Kris, samantalang si Hiro Peralta ang katambal ng aktres.

Paraan daw ito ni Mark na bigyan ng suporta ang kapwa Kapuso artists.

Saad ng aktor, “Sa 12 years ko na nasa showbiz, wala na siguro akong mahihiling pa sa career ko. I mean, ilang beses na tayong nagbida sa mga telerserye. Ilang mga leading ladies na rin ang nakatrabaho ko."

“Kumbaga, hindi naman tayo maramot. Kung mag-support man ako sa mga kasamahan natin sa GMA-7, walang problema."

“Like si Kris, nakatambal ko na siya ng dalawang beses—sa Time Of My Life [2011] at Hiram na Puso [2012]. Kaya okey lang sa akin na suportahan ko naman siya ngayon dito sa Little Nanay bilang kuya naman niya."

“Itong Little Nanay, si Kris talaga ito, at ang husay-husay niya. Tsaka si Hiro naman, panahon na siguro na mabigyan siya ng break bilang leading man. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida, di ba?"

“Nasubukan na rin ang mag-support at hindi naging issue sa akin iyon. Ngayon pa ba ako magrereklamo? E, ang dami nang nagawa ng GMA-7 para sa akin. Meron din naman akong Dangwa with Janine Gutierrez."

“Very thankful lang ako talaga at nandito pa rin tayo at pinagkakatiwalaan pa rin sa mga iba’t ibang roles.” - Pep.ph