Carla Abellana, Bettina Carlos rave about Eat Bulaga's Bae-by Baste
Kasabay ng pagsikat ng phenomenal loveteam na AlDub at ng D'Explorers Sisters sa Kalyeserye ng "Eat Bulaga," marami rin ang nakakapansin sa cute na batang gumaganap bilang pamangkin ni Pambansang Bae Alden Richards.
Binansagang Pambansang Bae-by si Baste Granfon mula nang maging bahagi siya ng longest-running noontime show.
Kitang-kita ang pagiging malapit nila ni Alden sa mga larawang kuha sa likod ng camera, kung saan madalas naglalaro ang dalawa habang inaalagaan rin ng binata si Baste.
Hindi lamang ang mga Eat Bulaga Dabarkads ang gigil na gigil sa pinakabagong child star sa Philippine TV dahil maging ang iba pang Kapuso stars ay tuwang-tuwa rin kay Bae-by Baste.
Kabilang na rito ang "Ismol Family" star na si Carla Abellana at ang "Idol Sa Kusina" host na si Bettina Carlos.
Ayon kay Carla sa isang Instagram post, "Hindi ko ma-explain ang pakiramdam nung bumukas ang pinto ng standby area namin sa taping ng #BecauseOfYou at nakita kong nakatayo dun si @iambaebybaste. Pinuntahan niya kami bago siya nag-Bulaga! Para akong namatay at pumunta sa heaven! Walang biro, pinangarap ko to. Ganun ako kababaw."
"Gustong-gusto ko siyang kidnapin at hindi na ibalik sa mommy't daddy niya. Iuuwi ko lang siya sa bahay at panggigigilan ang rosy at chubby cheeks. Haaaaaay!!! Lord, thank you at sa wakas nakilala ko na siya. Nanggigigil ako!!!" dagdag pa ng Kapuso actress.
Ayon naman kay Bettina, "JUSME BAEBY BASTEEEEEEE!!!! PWEDE KITANG ANAK!!! MAGSINGLAKI TAYO NG MUKHA!!!!! ANG PALAD KO AY KULANG PARA SAPUHIN ANG PISNGI MO!!!! GIGIIIIIILLLL!!!!"
A photo posted by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos) on
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News