Ina Raymundo shares secrets to being fab at 40
Ipagdiriwang ng hot mom at “Marimar” star na si Ina Raymundo ang kaniyang 40th birthday ngayong darating na Disyembre ngunit isa pa rin siya sa mga artistang may pinakamagandang hubog ng katawan.
Maraming nais makaalam ng sikreto ng aktres sa pag-aalaga ng kaniyang kalusugan at pangangatawan, lalo na ang mga tulad niyang mayroon nang mga anak.
Ayon kay Ina sa panayam ng GMA News Online, wala raw sikreto ang kaniyang magandang pangangatawan kundi simpleng workout at ang pagkain ng tama.
“Napakasimple. I go to the gym. Zumba and I also eat well. Napakasimple lang ng pagkain ko at hindi na kailangan ng high budget,” paliwanag niya.
ICYMI, @InaRaymundo95 is this month's Cover Girl! https://t.co/ReqmkMf2OY #FHMExperienceIna pic.twitter.com/FYFIJltyjT
— FHM Philippines (@FHMPhil) November 2, 2015
Kabilang sa mga paboritong pagkain ni Ina ang baked catfish o hito, at ang mga Pinoy ulam tulad ng nilaga, tinola, at sinigang. Pinapares niya lamang dito ang isang cup ng brown rice at isang serving ng prutas para sa balanseng pagkain.
Pinaalala ng aktres na bukod sa workout at exercise, importante rin ang kumain ng tama dahil mas nakakaapekto ito sa kalusugan.
Aniya, “70% of what you eat is important. Eat well kahit na naggi-gym ka. And avoid salty food na high in sodium. Avoid processed food because it's bad for you and it's cancerous, too.”
Upang paghandaan ang kaniyang November 2015 cover para sa men's magazine ana FHM, disiplina lang daw ang sikreto ni Ina.
“A week before or ten days before. I ate so well. Wala talagang cheat an extra. Tipong chips lang. I worked out for five days a week. 'Yung mga typical lang na ginagawa ko but more disciplined. More butt workout din,” kuwento ng aktres.
Naniniwala raw siya na ang issue na ito ng FHM ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, kundi maging sa mga babae at mga ina na tulad niya.
Ayon kay Ina, “I know FHM is a For Him magazine, pero in my head, it can also be a For Her magazine. You can buy this issue and learn and be encouraged. What I'm doing is so simple-- go to the gym and work out, and eat well.” — DVM, GMA News