Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bakit itinuturing lucky charm ni Mark Anthony si Camille Prats?
Balik-tambalan sina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats sa upcoming drama series ng GMA na Wish I May.
Gaganap si Mark bilang Clark na isang playboy, at si Camille naman ay si Olivia na makakapagpabago sa kanya.
WATCH: Sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa 'Wish I May'
Dati nang nagkatrabaho ang dalawa sa mga patok na seryeng Bukod Kang Pinagpala at Munting Heredera, kaya naman masaya si Mark na magkakatambal silang muli.
"When I look at Camille, she's like a lucky charm to me," bahagi ni Mark sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
"Every time I'm with Camille, it's always like a click. Hit siya! I like Camille. I feel like it's a good cloud," pagpapatuloy nito.
Dahil dito, umaasa siyang kagigiliwan din ng mga manonood ang kanilang bagong project. Bukod dito, bilib din daw si Mark sa abilidad ng mga taong bumubuo ng Wish I May.
"There's no pressure. As long as we're acting right, we are able to please the director [and] I'm able to please the producer, there's no pressure for me anymore," ayon sa aktor.
Bukod dito, palagay daw niya ay nakakabawas si Camille sa pressure na nararamdaman niya bilang isang aktor.
"That's when Camille's role comes in. She's the one who sells it. There's no pressure because I'm with Camille," paliwanag ni Mark.
Makakasama nina Mark at Camille sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi, Ash Ortega at marami pang ibang Kapuso stars sa Wish I May, malapit na sa GMA! - Marah Ruiz, GMANetrwork.com
Tags: camilleprats, markanthonyfernandez
More Videos
Most Popular