Carla Abellana works with father Rey ‘PJ’ Abellana in ‘Magpakailanman’
Matapos ang limang taon mula nang huli silang magsama sa isang project, nagkatrabaho muli ang mag-amang Carla at Rey "PJ" Abellana sa isang episode ng drama anthology na “Magpakailanman” nitong Sabado.
Bumida si Carla sa naturang episode bilang isang maybahay na ibinebenta ang kaniyang asawa sa ibang babae upang buhayin ang kanilang bagong silang na anak.
Bukod sa Kapuso actress, kabilang rin sa mga nagbigay-buhay sa nakakaantig at kontrobersyal na kwentong ito na hango sa totoong buhay sina Rafael Rosell, Katrina Halili, Rap Fernandez, Karla Pambid, at marami pang iba.
Ayon kay Carla sa isang Instagram post, “Pagkatapos ng mahigit dalawang taon lalabas po ulit ako sa Magpakailanman ngayong sabado. Ang gandang experience na nakatrabaho ko sa unang pagkakataon si [Rafael Rosell] at siyempre ang papa ko sa totoong buhay, si Rey 'PJ' Abellana naman after five years.”
“Nung huling guesting ko sa Magpakailanman I played a character who sold her body for money. Pumayag pa siyang maging baby-maker. This time, I play a character who sells something else, or rather, someone else. Her husband,” dagdag pa niya.
A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News