Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tom Rodriguez, Megan Young thank fans for watching ‘Marimar’ pilot episode


Kasabay ng inabangang pilot episode ng ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican telenovela na “Marimar,” nagpasalamat ang lead stars na sina Tom Rodriguez at Megan Young sa mga tumangkilik sa kanilang programa sa unang araw pa lamang.
 
Matatandaang nanguna sa Philippines trend sa Twitter ang #Marimar2015 noong Lunes, at hindi na nga pinalampas ng 2013 Miss World at pinakabagong Marimar ang pagkakataong magpasalamat sa kanilang mga tagasubaybay.
 
Nagpasalamat siya sa lahat ng nagpa-trend ng naturang hashtag at sa lahat ng nanood ng kanilang pilot episode.
 
Ayon kay Megan sa isang Instagram post, “This means so much to me. I wish I could hug every single one of you!! Thank you, thank you, thank you! I hope you continue to follow Marimar's journey. This is only the beginning.”
 
 
Hindi rin nalimutan ng bagong Sergio na si Tom Rodriguez ang magpasalamat sa mga nag-abang ng kanilang teleserye.
 
Sa isang Instagram post nitong Martes, nagpasalamat siya sa lahat ng mga kasabay nilang nanood ng unang episode ng 'Marimar' at inihayag ang pag-asang patuloy ang pagsuporta sa kanila ng mga manonood.
 
Nagpasalamat rin si Tom sa lahat ng bumubuo ng 'Marimar,' mula sa star-studded cast hanggang sa production crew.
 
“Nawa'y di kayo magsawa sa panonood at mas lalo pa kayong mapaibig sa kwento ng tunay na pagmamahalan nina Marimar at Sergio,” aniya.
 
Dagdag pa ng Kapuso actor, “Mula sa crew, cast, writers at lahat ng bumubuo ng team Marimar, taos puso naming ikinagagalak ang pagsuporta ninyo sa kwentong pinaghirapan naming ihandog sa inyong lahat. Hanggang sa uulitin mga Kapuso! -Sergio.”

 
 

— RSJ, GMA News