Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Juan Tamad' modern remake has Sef Cadayona and Max Collins as lead stars
Mapapanood na sa Sunday Grande ng GMA Network ang modern retelling ng classic folktale na “Juan Tamad” na pagbibidahan ng “Bubble Gang” at “Vampire Ang Daddy Ko” star na si Sef Cadayona at ng “Kailan Ba Tama Ang Mali” star na si Max Collins bilang Juan at Marie.
Proud ang tambalan sa kanilang pinakabagong project dahil bukod sa pagbibigay ng bagong buhay sa kilalang karakter at kwento, maraming aral din umano ang mapupulot rito ng mga manonood, lalo na ng mga kabataan.
Kakaibang twist ang inihanda ng mga bumubuo ng “Juan Tamad” upang kagiliwan ito ng mga tagasubaybay.
Ayon kay Sef, sa unang episode pa lamang ay ipapakita na nila na “patience is a virtue.”
“Hindi po talaga tamad si Juan Tamad. Naghihintay lang siya ng tamang panahon. Ipapakita ang history ni Juan at kung ano ang naging epekto niya sa Philippines based on current events,” paliwanag ng Kapuso comedian.
Dagdag pa ng kaniyang leading lady, “I think, sobrang magugustuhan ng mga bata ang show kasi nakakatawa siya ang may payo lahat ng episode.”
Sef Cadayona and Max Collins lead cast of modern remake of "Juan Tamad" as Juan and Marie. @gmanews pic.twitter.com/u3rucWLmaO
— Bianca Rose Dabu (@biancadabu) August 18, 2015
Ito ang kauna-unahang title role ni Sef, at imbes na ma-pressure ay excited pa ang young comedian sa pagkakataong ibinigay sa kaniya, lalo na at marami na siyang natutuhan mula sa mga batikang komedyante sa industriya, tulad na lamang ni Michael V. na kasama niya sa “Bubble Gang” at Bossing Vic Sotto na kasama naman niya sa “Vampire Ang Daddy Ko.”
Aniya, pinaghalo-halo niya na raw ang lahat ng natutuhan mula Day 1 ng pagiging isang artista, at ang mga napulot niyang aral mula sa mga kwento ng mga beteranong komedyante na nakakatrabaho niya sa iba't ibang programa.
”It's a blessing na ibinigay sa akin ng GMA ang 'Juan Tamad' para buhayin ko at ipakilala ulit sa mga kabataan. Pinaghalo-halo ko na lahat ng natutuhan ko kasi this is my first time. Lahat ng natutuhan ko from Day 1, kahit in passing lang. Dito ko ibibigay ang signature comedy na nakasanayan na ng viewers, at hopefully, isang bagong brand din ng future comedy.” ayon kay Sef.
Pahayag niya pa, “Swerte lang po ako na may dalawang poste ng comedy akong nakilala kung saan nakakakuha ako ng knowledge. Constant learning lang talaga.”
Labis naman ang paghanga sa kaniya ng kaniyang leading lady na si Max, na siyang ring unang ka-loveteam ng Kapuso comedian.
Ayon kay Max, wala na siyang ibang aktor na nakikitang gumaganap bilang Juan Tamad.
Kwento ng Bubble Shaker, “Hindi ko talaga akalain na magiging aprt ako ng comedy show kasi hindi ako funny, at parang imposible rin na ma-partner kay Sef dahil comedy siya and drama ako.”
“Ang saya ng show at sobrang happy ako na kasama ako sa show na ito, lalo na at first loveteam ni Sef. I'm really honored to be his first loveteam, and I'm really proud of Sef. Napakagaling niya dito sa show na ito and he's the perfect person to play Juan Tamad. I don't think anyone else can play this,” dagdag pa ng Kapuso actress, na siyang first and only choice para sa role ni Marie.
Ipapalabas ang “Juan Tamad” sa GMA Network tuwing Linggo pagkatapos ng “Sunday Pinasaya!” — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News
More Videos
Most Popular