Filtered by: Showbiz
Showbiz

WATCH: Donnalyn Bartolome sings 'Kakaibabe,' introduces newest single 'Happy Break Up'


Isa sa mga sikat na internet sensation ngayon ang 21-year-old singer and rapper na si Donnalyn Bartolome, na binansagan na ngang 'Social Media Sweetheart' dahil sa kanyang ganda, bubbly personality, at natatanging talent.


 
 
Umabot na sa 3.2 million ang followers ni Donnalyn sa Facebook, at nagkaroon na rin ng higit sa 12 million views ang kaniyang unang hit single na “Kakaibabe” na inilabas lamang sa publiko noong nakaraang taon.
 
Ngayong Agosto, muling nagbabalik sa spotlight ang internet sensation kasabay ng release ng kaniyang pinakabagong kanta na pinamagatang “Happy Break Up.”
 
Matapos itong mai-post sa YouTube nitong nakaraang buwan lamang, pumalo na sa halos 900,000 views ang music video ng kanta.
 
Hindi makapaniwala si Donnalyn sa kasikatang tinatamasa niya. “Parang hindi pa rin totoo, pero thankful na nangyari kahit hindi expected,” aniya.
 
Nagpapasalamat rin umano siya sa mga tagahanga at followers niya, pati na sa mga tumutulong sa kaniya sa pagbuo ng mga awitin at sa iba pang social media sensations at internet communities para sa suportang ibinibigay nila sa kaniya.
 
Maaaring mapanood ang official music video ng “Happy Break Up” sa YouTube.  — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News