Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Mga eksena sa likod ng camera ng Juan Tamad TV series


Makikilala na ng mga kabataan ang karakter na alamat sa pagiging batugan, si Juan Tamad. 
 
Simula sa Agosto 23, ipapalabas na sa GMA Network ang Juan Tamad at ang kanyang mga nakakatawang paraan ng pag-iwas sa pagbabanat ng buto. 
 
Tampok sa programang ito si Sef Cadayona sa title role. Si Max Collins naman ang kanyang overachiever na crush na si Marie Guiguinto, na bukod sa aktibo sa debate team at iba pang extra-curricular activities ay magtatapos bilang magna cum laude. Agad ding makakakuha ng trabaho si Marie bilang Senate researcher. Si Juan ay matitigil sa kolehiyo.

Laugh out loud ang mga eksena sa modernong bersyon ng kuwentong ito dahil dawit din sa iringan mga magulang nina Juan at Marie, sina Roi Vinzons and Marissa Sanchez, at sina Gene Padilla at Melanie Marquez. 
 
 
 
 
 
 
 

Ayon kay Soxie Topacio, director ng series: "Directing Juan Tamad is a challenge. How to make it enjoyable for children and adults. So far  I think successful naman kami sa mga episodes na ginagawa namin." 

Ang unang episode ng makabagong kuwento ni Juan Tamad ay sinulat ng Palanca award-winning writer na si Rody Vera. - Jessica Bartolome/JJ, GMA News
Tags: juantamad