Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aiko Melendez sa posibilidad na magkabalikan sila ni Jomari Yllana: 'Only time will tell'
"Still loveless, boring."
Ito ang bungad ni Aiko Melendez nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife sa ribbon-cutting event ng Shawarmama na pag-aari ng mag-asawang Nadine Samonte at Richard Chua kasama ang ilan sa kanilang Lebanese partners.
Bisita si Aiko ng isa sa mga kasosyo nina Nadine at Richard sa Shawarmama na matatagpuan sa AGS Plaza, Washington St., Buendia, Makati City.
Patuloy ng award-winning actress, "For seven years, ano...
"I'm focusing kasi on my career at sa marami pang bagay.
"So medyo hindi ko muna naaasikaso ang personal life ko, pero it doesn't mean na hindi ako happy.
"Happy naman ako and enjoying my life."
STEADY FRIENDSHIP WITH JOMARI. Buong akala ng lahat ay magkakabalikan sila ng kanyang dating asawa na si Jomari Yllana kung pagbabasehan ang closeness nilang dalawa, na makikita sa Instagram posts ni Aiko.
Kung matatandaan, ikinasal sila noong 1998, subalit na-annul ang kanilang kasal noong 2004.
Paliwanag ni Aiko, "Naniniwala ako na, 'di ba, ganun yun, kapag maraming nagpu-push, lalong nauudlot.
"Only time will tell whether Jomari and I are really meant for each other.
"Para naman sa anak ko, okey na okey kami as friends.
"Ganun naman sa showbiz, 'di ba? When you are together, they're trying to separate you.
"But when you're separated, they're trying to get you back together.
"Para mapaiba kami, hayaan na lang natin yung panahon, 'di ba?"
Sina Jomari at Aiko ay merong isang anak, si Andrei Yllana, 16.
SON ANDREI TO ENTER SHOWBIZ? Tungkol naman sa kanilang anak, kinumpirma niya na wala pa talaga ito sa showbiz, pero mukhang patungo na roon ang career path nito,
Aniya,"Wala pa talaga siya sa showbiz pero nagwu-workshop na siya.
"Kailangan niya munang mag-workshop, kasi may pressure sa kanya na ang kanyang ama at ina ay mga artista.
"It would make him also comfortable with whatever he wants to do.
"Bago siguro magtapos ang taon, may gagawin ang anak ko na isang project.
"I think it's more of endorsements muna.
"If ever he decides, full support kami, pero studies pa rin ang priorities." -- For the full story, visit PEP.
Tags: aikomelendez, jomariyllana
More Videos
Most Popular