Filtered By: Showbiz
Showbiz
Princess Punzalan enjoys being a US-based nurse and hands-on wife and mom
Nagbalik-bansa ang batikang aktres na si Princess Punzalan nitong taon upang makapagbakasyon kasama ang kanyang American husband at 1-year-old baby na si Ellie.
Nitong buwan lamang, agad itong nasundan ng isang espesyal na role sa GMA Afternoon Prime teleserye na “Yagit” kung saan magtatagal siya hanggang sa susunod na buwan.
Aniya sa naunang panayam, “Pangalan ko po dito ay Monica. Kapatid ko ni Alessandra na lawyer, at mukhang may problema siya kaya darating ako para tulungan siya.”
Samantala, sa isang episode ng 'Tunay na Buhay' kasama ang batikang host at news anchor na si Rhea Santos, ibinahagi ni Princess ang naging buhay niya sa America matapos siya mag-desisyon na iwan ang showbiz ilang taon na ang nakararaan.
Naranasan umano ng aktres na magtrabaho sa isang restaurant, at kamakailan lamang nga ay naging isang registered nurse na siya sa America.
Paliwanag niya sa napiling larangan at propesyon, “Maawain kasi akong tao, so second nature na sa akin ang maging maalaga. Kung meron akong magawa para makatulong, gagawin ko.”
Masayang-masaya rin umano ang aktres sa pagiging ina at pagiging asawa.
Kwento ng 'Yagit' star, “Nung na-meet ko si Jay, I felt na it was right and I felt na we were a good match and I saw that we were headed towards the same direction.”
Dagdag pa niya tungkol sa pagpapanganak sa kanyang first baby and only daughter, “Nakita ko kung gaano ka-fulfilling maging nanay. Kais binigyan ka ng opportunity ng Diyos na magkaroon ng part sa buhay ng isang tao. When she kisses me, nagme-melt talaga ang heart ko. Ibang klase talaga.”
Pagkaraan ng kanyang special role sa “Yagit,” babalik na si Princess sa America kung saan sila nakabase ng kanyang pamilya upang ipagpatuloy ang pagiging nurse at hands-on mom and wife sa kanyang asawa at unica hija.
Pinayuhan ng batikang aktres ang mga taong gustong mag-iba ng career path na huwag matakot at magpursigi lamang.
Aniya, “Hindi mo pwedeng i-box ang sarili mo. There's so much fear of being a failure na parang nalilimitahan ka na sa pwede mong gawin. There's always hope. There's always a second chance. Just persevere. Kung anoman ang mahirap na circumstance na pinagdadaanan mo, malalampasan mo 'yan.” — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News
Tags: princesspunzalan
More Videos
Most Popular