Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-child star Serena Dalrymple: Bye, showbiz


Siguradong marami ang nagtatanong kung nasaan na ngayon ang dating child actress na si Serena Dalrymple. Matagal-tagal na kasing hindi siya napapanood sa telebisyon magmula nang hindi na siya maging aktibo sa kanyang showbiz career. Pero hindi maikakaila na sumikat si Serena bilang child star sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema. Isa sa mga nagawang pelikulang ni Serena sa Star Cinema ay ang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1998), kung saaan nakasama niya ang Star For All Seasons na si Vilma Santos. Dito rin sa pelikulang ito siya umani at ng acting awards from different award-giving bodies like Urian, Film Academy of the Philippines, Star Awards, FAMAS as Best Child Actress, Best Supporting Actress, and Best New Movie Actress. Una siyang nakilala through a Jollibee commercial with Aga Muhlach. Naging trendsetter din ang kanyang short hair sa ibang mga batang babae since then. After that, napabilang na siya sa Talent Center na Star Magic na ngayon. Ilan pa sa mga pelikulang nagawa niya ay Hiling (1998), Wansapantaym: The Movie (1999), Mila (2001), Ang Tanging Ina (2003), at ang pinakahuli ay ang I Will Survive (2004). Sa TV series naman, napanood siya sa Sa Dulo ng Walang Hanggan, Eto Na ang Susunod Na Kabanata, Sana'y Wala Nang Wakas, Tanging Ina, at Spirits. Pero ‘yun nga lang, at her very very young age, Serena experienced the good and not-so-good things in life. Maaga kasi silang naulila ng kanyang dalawang mas matandang kapatid na babae. Halos magkasunod na namatay ang Daddy at Mommy nila, leaving her and her two sisters sa relatives ng kanyang mommy. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang malapit na tao kay Serena—na ngayon ay 17 years old na—na nasa college na rin sa College of St. Benilde ang dating child actress and she is taking up Business Management. Mas nag-e-enjoy na raw si Serena ngayon sa kanyang non-showbiz life. Kuwento nga ng aming source—na itinuturing na ring pangalawang magulang ni Serena—na kapag tinatanong daw si Serena kung gusto pang mag-showbiz, ayaw na raw nito at mas gusto na nito ang buhay niya ngayon. Kinailangan din kasi ni Serena na mag-stop from work dahil kung hindi ay hindi niya matatanggap ang pension na ibinibigay sa kanilang magkakapatid ng US Embassy. Malaking bagay nga na former US military officer ang namayapang ama ni Serena kaya naman the US Embassy is actually taking care of them, including their tuition fees. The PEP source also told us na malamang daw, kahit graduate na si Serena sa college at puwede nang mag-work, hindi na rin ito magbabalik-showbiz. Instead, like her two sisters na may planong mag-migrate sa US after college ay ganoon na rin daw ang maging plano ni Serena. Naikuwento rin ng aming source na nang nalaman daw ng Star Magic head na si Johnny Manahan na ga-graduate si Serena sa high school, sinorpresa raw nito ang dating talent by coming to Serena's graduation. Magkahalong gulat at saya raw ang naramdaman ni Serena na in the absence of her parents ay sorpresang dumating si Mr. M, ang itinuturing na "tatay" ng Star Magic talents, sa graduation day niya. Boluntaryo rin daw itong umakyat sa stage at nagsabit ng medal na natanggap ni Serena. - Philippine Entertainment Portal