Filtered by: Showbiz
Showbiz
Iya Villania snaps a photo with Pia Guanio on her first day as ‘24 Oras’ anchor
Pormal na ipinaalam sa publiko noong nakaraang linggo na ang Kapuso TV host at actress na si Iya Villania-Arellano na nga ang papalit sa news anchor na si Pia Guanio bilang Chika Minute host matapos mag-desisyon si Pia na lisanin ang programa upang makapagbigay ng mas maraming oras sa kanyang pamilya.
Nitong Lunes ang unang araw ni Iya sa trabaho kasama ang mga batikang broadcasters na sina Mike Enriquez, Vicky Morales, at Mel Tiangco.
Kasabay nito, nag-post ng larawan ang TV host sa kanyang Instagram account kasama ang orihinal na Chika Minute host at Eat Bulaga Dabarkads, kung saan tinawag niya ang sarili bilang 'Chika Minion' ng 'Chika Minuter' na si Pia.
Aniya, "So happy I was able to get this pic earlier today! Pia, THE Chika Minuter with me, the Chika Minion. Will do my best and really hope not to disappoint ???? Day 1 for me of the 11 years worth that Pia did! #ChikaMinute #24Oras"
Kasunod ng kanyang bagong trabaho, nagpaabot ng pagbati sa Chika Minute host ang mga personalidad ng Kapuso Network gaya na lamang ng Eat Bulaga icon na si Joey de Leon, showbiz guru at Startalk host na si Lolit Solis, si Aling Maliit Ryzza Mae Dizon, at pati na ang kanyang asawang si Drew Arellano.
Mismong si Pia ay nagpaabot rin ng pagbati at nagbigay pa ng tips kay Iya mula sa 11 taon niyang pagiging 24 Oras anchor.
Kwento ni Iya sa mga naunang pahayag, "She called nga and said na, 'Iya, there's really a reason why I stayed for 11 years.' She really enjoyed her time with GMA News... She told me to have fun."
Bukod sa 24 Oras, mapapanood rin si Iya sa GMA News TV lifestyle show na Taste Buddies, habang mananatili naman si Pia sa iba niyang mga palabas gaya na lamang ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News
More Videos
Most Popular