Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: John Prats and Isabel Oli’s official wedding video


Ginanap noong nakaraang Sabado, May 16, ang pag-iisang dibdib nina John Prats at Isabel Oli sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, Balete, Batangas.

Gaya ng kanilang makulay na pre-nup photos, naging seasonal rin ang tema ng kanilang simpleng kasal at reception na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Kabilang sa mga aktor at aktres sa entourage ng celebrity couple sina Angelica Panganiban, Sam Milby, Chynna Ortaleza, Camille Prats, Sherilyn Reyes, at marami pang iba.

Ilang araw lamang matapos ang kasal at reception na ginawa naman sa family farm ng mga Prats sa Batangas, inilabas na ang opisyal na wedding video nina Isabel at John.



Makikitang emosyonal na sa John noong pagpasok pa lamang ni Isabel sa simbahan at habang naglalakad ito sa aisle papunta sa altar.

Mas lalong naantig ang damdamin ng mga bisita nang basahin na nila ang sa isa't isa ang kani-kanilang personal na wedding vows. Dito, tinawag ni Isabel si John na childhood crush, superhero, partner-in-crime, best friend, at life partner, habang ipinangako naman ni John na gagawin niya ang lahat upang maging "forever" na ang kanilang samahan.

Dagdag pa diyan, pabiro ring sIinabi ni Isabel na hindi siya magsasawang ipagtanggol ang asawa sa social media bashers nito. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News